SAPUL SA CCTV: Aktwal na pananambang sa alkalde ng Teresa, Rizal

4329
Courtesy Barangay Poblacion, Teresa, Rizal

Nakuhanan sa CCTV ang pananambang sa puting sasakyan ng alkalde ng Teresa, Rizal nitong Lunes ng hapon.

Kita sa video ang paparating na Toyota Hi-Ace, kung saan lulan si Mayor Raul Paulino, sa bahagi ng E. Rodriguez Avenue sa Barangay Poblacion dakong alas-5 nang biglang lumitaw ang isang armadong suspek.

Habang umaarangkada ang van ay makailang beses itong binaril ng salarin. Pero maya-maya pa, biglang sumulpot ang dalawa pang lalaki na pilit silang hinabol at pinaulanan ng bala.

Nang hindi nila mapahinto ang van, kaagad kumaripas ng takbo ang mga suspek na sinubukan pang batuhin ng upuan ng isang saksi.

Nakaligtas sa ambush ang opisyal ngunit sugatan ang kaniyang bodyguard at driver na kinilalang sina Ruel Santos at Joel Balajadia. Sa ngayon ay nagpapagaling sila sa St. Therese Hospital.

Patuloy naman tinutugis ng awtoridad ang mga nasa likod ng ambush.

Facebook Comments