SAPUL SA CCTV: Yaya, inilublob ang kamay ng alagang sanggol sa kumukulong tubig

96266
Images from Amy Low Mei Liang's Facebook account.

BUANGKOK LINK, SINGAPORE – Nanlumo ang mga magulang ng isang 16 buwang gulang na sanggol matapos nilang madiskubre ang ginawang pananakit ng 30-anyos na yaya nito.

Nasapul kasi ng nakakubling CCTV na sinadyang ilublob ng kasambahay ang kamay ng munting anghel sa kumukulong tubig.


(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)

Kuwento ng nanay na si Amy Low Mei Liang, nagpahanap sila ng yaya sa isang recruitment agency dahil pareho silang may trabaho ng asawa.

Galing daw sa Myanmar ang babae at nagsimulang manilbihan sa kanila noong December 7, 2019.

Aniya, pag-aalaga lamang ng sanggol ang tanging tungkulin nito.

Madalas din ibilin ni Liang na huwag dadalhin sa kusina ang anak para iwas-disgrasya.

Kaya laking gulat niya nang malamang napaso ang supling sa kumukulong tubig, dahilan para magtamo ito ng second degree burn.

Kinutuban daw ng masama si Liang dahil biglang nagpaalam ang yaya na uuwi na lamang sa Myanmar, isang araw matapos ang insidente.

Nang mapanood ang CCTV footage, agad niyang kinompronta ang suspek at inamin nitong inutusan siya ng agency na saktan ang inosenteng bata para makaalis na sa Singapore.

“My whole body was shaking when I saw the recording. (Since the incident), every night my daughter cries and cries non-stop, and she’s too young to speak so we don’t know if she’s having nightmares or still in so much pain,” ani Liang sa panayam ng The Strait Times. 

Nakakulong na ngayon ang yaya at nahaharap sa patong-patong na kaso.

Samantala, iimbestigahan din ng Ministry of Manpower (MOM) ang ahensiyang pinanggalingan ng suspek.

Facebook Comments