26 anyos na Dating NPA, Boluntayong Isinuko ang Sarili sa Awtoridad

69

*Cauayan City, Isabela*-Boluntaryong isinuko ang sarili ng isang 26 anyos na dating kasapi ng News People’s Army (NPA) sa bayan ng Peñablanca, Cagayan nitong 20 ng Enero.

Ayon kay P/Capt Rey Lopez, Hepe ng Peñablanca Police Station, miyembro ng medical team ng makakaliwang grupo 26 anyos na lalaki na tubong Jones, Isabela.


Dagdag pa ng hepe, posibleng nahirapan ang rebeldeng NPA sa pagtatago sa kabundukan kaya naisipan na nitong bumaba at sumuko sa gobyerno.

Napag alaman pa na taong 2012 ng unang umanib ang dating kasapi sa makakaliwang grupo kung saan nag-iikot umano ang kanilang team sa bayan ng Baggao at Peñablanca.

Naiturn-over na sa Cagayan Police Provincial Office ang lalaki habang inaayos ang mga dokumento nito para maisama sa mga makakatanggap ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration (E-CLIP) program ng pamahalaan.

Facebook Comments