Sara Duterte ‘di nababahalang mababahiran ng war on drugs ang imahe ng kanyang mga pambato sa HNP

Manila, Philippines – Hindi nababahala si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na posibleng mabahiran ng war on drugs ng administrasyon ang imahe ng mga kandidato ng kanyang Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ito ay sa gitna ng mga narerekober na “floating cocaine” sa iba’t-ibang dagat sa bansa.

Ayon kay Mayor Duterte – ang droga ay hindi lamang kinakaharap ng Pilipinas pero maging ng buong mundo.


Sang-ayon din siya na malawak at malakas ang kampanya kontra droga lalo at nakikitang sinusuportahan ito ng tao.

Facebook Comments