DOT, pinasalamatan si Catriona Gray sa pagpo-promote ng turismo ng bansa

24

Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Department of Tourism (DOT) Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagpo-promote ng turismo ng Pilipinas.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – ipino-promote na ni Catriona ang bansa bago pa man niya mapanalunan ang korona ng Miss Universe.

Aniya, ang pagkapanalo ni Gray ay nagbigay ng “awareness” tungkol sa Pilipinas sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Makikita talaga kay Catriona ang pagiging passionate sa pagpo-promote ng bansa.

Si Gray ang ika-apat na Pilipinas na nakauwi ng Miss Universe crown.

Facebook Comments