Hindi napigilan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang umiyak matapos malaman na panalo lahat ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) senatorial candidates sa kanyang hometown.
Base sa transmitted votes na inilabas ng COMELEC mula sa lungsod ng Davao, walang kandidato mula sa oposisyon ang pasok sa top 12.
“I am bowed and humbled. I am not a person who cries easily but when it was definite that Davao City delivered a 12-0 for Senators of HNP, the tears flowed and the sobbing followed,” mensahe ni Duterte-Carpio sa kanyang Instagram post.
Ibinahagi niya rin ang bible verse na “for unto whomsoever much is given, of him shall be much required.”
Dagdag pa ng Presidential daughter, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon 12-0 ang naitala sa pinamumunuang lugar. Si Inday Sara ang tumatayong Campaign Manager at Founder ng Hugpong ng Pagbabago.
Pinasalamatan ng Davao City Mayor ang lahat ng sumuporta sa kandidatura ng kanyang koponan.
“Daghang Salamat sa inyong tanan. I have said that I feel alone everyday stressing over making sure Davao City is ok but when I need am in distress, Dabawenyos carry me their back. Salamat sa inyo. I promise to work harder until I break. I love you all,” ani Duterte-Carpio.
Muli siyang nagwagi bilang alkalde ng nasabing siyudad at bise alkalde naman ang kapatid na si Sebastian “Baste” Duterte. Sa congressional race ng first district, nangunguna pa din si Paolo “Polong” Duterte.