SARADO NA | FDA ikinandado ang isang botika dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot

Lipa City – Sarado na ang Noemi’s Pharmacy na matatagpuan sa 2nd floor ng Lipa City public market.

Ito ay makaraang mapatunayan ng Food and Drug Administration (FDA) na nagbebenta ito ng mga pekeng over-the-counter medicines.

Ayon kay retired Police General Allen Bantolo, Chief ng FDA Regulatory Enforcement Unit nakatanggap sila ng intel reports na ang nasabing drug store ay nagbebenta ng mga ‘fake’ Unilab products.


Agad naman nagkasa ang FDA ng operasyon at nakumpiska mula sa botika ang mga pekeng Mefenamic acid Dolfenal 500mg tablets.

Sinabi ng FDA na kapag nasobrahan sa pag-inom ng Mefenamic Acid maaaring magresulta sa intestinal bleeding at tataas din ang tyansa ng fatal heart attack.

Natuklasan din na hindi registered pharmacist ang nagbebenta ng gamot sa naturang botika.

Sa ngayon nahaharap sa paglabag sa Section 6 ng Republic Act 8203 o Special Law on Counterfeit Drugs ang may-ari ng drugstore na si Noemi Hernandez.

Facebook Comments