Manila, Philippines – Sarado parin ang Palasyo ng Malacañang para kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay matapos ang pahayag ni Robredo na bukas siya na tumanggap ng isang cabinet post kung aalukin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay walang ikinokonsiderang posisyon na maaaring ibigay para sa pangalawang pangulo.
Sinabi din ni Roque na kinikilala nila ang kahandaan ni Robredo na tumaggap ng posisyon at tumulong pero wala aniyang iaalok na posisyon sa ngayon si Pangulong Duterte.
Matatandaan na una nang itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council pero kalaunan ay sinibak din ito ng Pangulo dahil dahil sa mga banat nito sa Administrasyon.
SARADO PARIN | Malacañang, wala pang maibibigay na posisyon kay VP Robredo
Facebook Comments