House Speaker Pantaleon Alvarez, suko kay Mayor Sara Duterte

Manila, Philippines – Aminado si House Speaker Pantaleon Alvarez na surrender o suko siya kay Davao City Mayor Sara Duterte.

Hindi kinaya ni Alvarez ang ilang araw na binabakbakan siya ng alkalde sa social media at sa press conference dahil sa diumano’y pagtawag niya rito na oposisyon at pagyayabang na kaya niyang ipa-impeach si Pangulong Duterte.

Matapos aminin na suko siya kay Mayor Sara, hindi na nagbigay ng komento pa si Alvarez.


Ayaw din nitong magsalita kung tinangka na niyang makipagkasundo sa alkalde.

Nanahimik di si Alvarez sa pag-eendorso ni Mayor Duterte sa ilang opisyal para sa halalan sa 2019.

Matatandaang huling banat ni Inday Sara kay Alvarez ay kasabay nang naging babala niya na huwag na huwag babanggitin ng Speaker ang kanyang pangalan kundi ay ikakandidato niya sa Davao na huwag itong suportahan.

Facebook Comments