Sarah G, may pa ”surprise attendance” sa isang kasal

Sinurpresa ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang kasal ng isang non-showbiz couple.

Ang newlywed couple na sina Roy Tiu at Kane Panghulan ay malapit na kaibigan ni Maja Salvador kung saan in-invite naman ni Maja si Sarah.

Sa Instagram video post ni Maja, gulat na gulat at mangiyak-ngiyak pa ang mag-asawa dahil sa biglaang pagdating ni Sarah G.


Magalang na nagtanong si Sarah sa mag-asawa kung pwede ba siyang mag-perform sa kanilang wedding reception at pabiro pang sinabi na nagpa-salon talaga siya para sa naturang event.

Bukod kay Sarah G. ay present din sa reception sina Kakai Bautista at Thou Reyes.

Facebook Comments