Sarah Geronimo, suportado ng mga kaibigan sa industriya at kanyang mga fans

Nakatanggap ang pop star princess na si Sarah Geronimo ng kabi-kabilang suporta mula sa kanyang fans at mga kaibigan matapos ang emotional breakdown sa kanyang “This 15 Me” concert sa Las Vegas, Nevada noong April 30.
Dahilan diumano ng pag breakdown ni Sarah ang labis na pressure at pagod sa kanyang trabaho. Ayon din sa singer, nakakaramdam siya ng kakulangan sa kabila ng lahat ng kasikatan.
Nagbigay ng suporta ang ilang mga artista na malapit kay Sarah, gaya nina Erik Santos, Paolo Valenciano, Jed Madela, Nico Bolzico, Kaye Abad, Bianca Gonzales, Rhap Salazar at si Donna Cruz. Hindi rin siyempre mawawala ang mga mensahe ng mga masugid na tagahanga ni Sarah.
Nagpaabot din ng pagmamahal at pagsuporta sa Twitter ang dating Trainee ni Sarah sa The Voice Philippines na si Klarisse De Guzman.
Samantala, nag-pahayag naman kanyang suporta si Matteo Guidicelli sa kanyang girlfriend sa isang Instagram post kung saan sinabi ng aktor na siya ay laging nasa tabi ng Popstar Princess. Aniya, “I’ll always be beside you. No matter what.” Idinitalye din ni Matteo sa isang interview na nakapag usap na sila ni Sarah at kasalukuyan nang nag-papahinga ang singer-actress.


Sa ngayon, ang post ni Matteo ay umabot na sa mahigit 150,000 likes at mahigit 9,000 comments.
Sa kabila ng pagiging emosyunal, maayos pa rin umanong natapos ni Sarah ang kanyang concert sa Las Vegas, Nevada.


Facebook Comments