Diego Loyzaga, hiniling sa netizens na tigilan na ang pag-link sa kanya kay Sofia Andres

“Quit commenting her name on my Ig. We both have separate lives.” Iyan ang sagot ng young actor na si Diego Loyzaga sa mga netizens na patuloy na ikinakabit ang kaniyang pangalan sa aktres na si Sofia Andres.
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang Instagram post ni Diego noong April 30 kasama ang kanyang non-showbiz friend na nagngangalang “Chelsea”. Isa-isang sinagot ng aktor ang mga komento ng mga netizens patungkol sa litrato. Nilinaw ng aktor na wala silang ugnayan ni Sofia at pinabulaanan niya na may hinanakit siya sa dating ka-loveteam.
Nilinaw din ni Diego na single siya ngayon matapos tanungin ng isang netizen kung ano ang estado ng love life nito. Sa litrato naman kasama si Chelsea ay nilinaw ng binata na “magkaibigan” lang sila nito. Mapapansin sa mga sagot ni Diego sa kaniyang post na tila naiirita siya tuwing nababanggit si Sofia sa Instagram feed nito.
Aniya, “Quit commenting her name on my Ig. We both have separate lives.”
Umani ng “Rude”,”Mayabang” at “Hambog”na komento si Diego galing sa ilang mga netizens na nakapansin sa paraan ng pagsagot ng binata sa ilang mga comments.
Depensa ni Diego, “Samantalang this is my account and others are judging me, yet im the one whos rude? Sooo ano? Sino talaga yung rude? How bout i go comment stuff on ur account judging on what i find proper and improper? I bet you wouldn’t like that.”
Huling nagkasama si Diego at Sofia sa Primetime show na Pusong Ligaw kung saan umusbong ang usap-usapan ng pagkakaunawaan ng dalawa.

Facebook Comments