Sarangani Province iniyanig ng 5.4 na lindog

General Santos City—niyanig ng 5.4 na lindol ang Sarangani Province at karatig na lugar alas 8:30 ngayong umaga.

Sinabi ni Philippine Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) director Renato Solidum na sentro ng lindol ay nasa Malapatan, Sarangani Province na may lalim na 30 kilometers at tectonic ang naging origin nito.

Intensity 4 naman ang naramdaman sa Digos City habang intensity 3 sa Davao City.


Sinabi ni Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and management Council action Officer Rene Punsalan sa ngayon wala naman silang naitalang damage sa bayan ng Malapatan at mga karatig bayan nito.

Pero patuloy ngayon ang kanilang ginagawang assessment sa iba pang barangay lalo na sa baybayin ng Sarangani.

Dito sa Gensan nagkaroon lang ng kaunting panic sa mamamayan matapos naramdaman ang pagyanig.

Iba sa kanila ay nagsilabasan sa kani-kanilang mga bahay, habang ang mga empleyado naman ng mga pribadong kumpanya ang nag silabasan din.

Wala namang naitalang damage ang City Disaster Risk Reduction And Management Council NG Gensan sa nasabing lindol pero binabantayan ngayon ang baybayin ng Gensan kahit walang tsunami warning na ipinalabas ang PHILVOLCS.

Facebook Comments