General Santos City–Nagsagawa ng Oplan Galugad ang pulisya sa loob ng Sarangani Provincial Jail na matatagpuan sa barangay Baluntay bayan ng Alabel, Sarangani Province kaninang umaga.
Ito’y kasunod ng nangyaring pananasak ng isang bilanggo sa kasamahan nitong bilanggo sa loob ng kanilang silda noong nakaraang araw.
Sinabi ni Provincial Jail Warden Busoy Sales na sya mismo ang nag-request sa Alabel PNP na magsagawa ng Oplan galugad para kumpiskahin ang mga kontrabando sa loob ng silda ng mga bilanggo para maiwasan ang nangyaring pananaksak sa loob ng silda.
Narecover ang ilang cellphones, Improvised pointed weapon na gawa sa tinidor at Kutsara sa loob ng male detention cell.
Aalamin naman ni Jail Warden Busoy Sales bakit nakakalusot ang cellphone sa loob ng silda dahil noon paman mahigpit na nitong ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone ng mga preso itoy para na rin sa seguridad ng nasabing detention facility.