Sarap ng Kutsinta, Pancit Cabagan at Organic Lechon ng Isabela, Ibinida ni DOT Sec. Puyat

Cauayan City, Isabela-Hindi naitago ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang ganda ng turismo sa lalawigan ng Isabela kung kaya’t hinihimok nito ang publiko na markahan ang susunod na travel destination at tuklasin ang ganda ng probinsya.

Ito ang pahayag ng kalihim sa isang interview kung saan ipinagmamalaki nito ang ‘best kutsinta’ na makakain sa Isabela maging ang sarap ng Pancit Cabagan at Organic Lechon.

Ipinagmamalaki rin nito ang mga churches sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan dahil sa napapanatiling istraktura ng mga makasaysayang mga simbahan.


Magugunitang nagbukas na ang ilang turismo sa Cagayan Valley matapos maibaba ang quarantine status matapos mapasailalim sa General Community Quarantine kung saan pinapayagan lamang ang 50% capacity habang Modified General Community Quarantine ay nasa 75 % venue capacity.

Samantala, makailang beses rin na binisita ng kalihim ang lalawigan noong siya pa ang kalihim ng Department of Agriculture.

Facebook Comments