Tinaga ang isang matandang sari-sari store owner sa Nagbukel, Ilocos Sur, bandang alas-nwebe ng umaga, kahapon.
Kinilala naman ang suspek na isang 78-anyos na lalaki at residente rin sa lugar.
Sa ulat sa pulisya, agad silang nagtungo sa lugar ng insidente at nakita sa akto ang suspek na may hawak na itak.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibat parte ng katawan ang biktima kaya agad itong dinala sa Narvacan District Hospital para sa agarang kagamutan.
Samantala, dinala rin sa Nagbukel MPS ang suspek para sampahan ng kaso at para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









