Manila, Philippines – Naniniwala ang mga taga-Independent Minority na ambisyon sa 2019 ang nagtutulak kay Presidential Spokesperson Harry Roque kaya bumaligtad ito sa isinusulong noon na maging myembro ng International Criminal Court ang Pilipinas. Ang reaksyon ay kasabay ng pagtatanggol ni Roque sa desisyon ni Pangulong Duterte na kumalas sa ICC. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, inilathala pa ni Roque sa blog nito noong 2011 ang sobrang katuwaan sa pagkakasama ng Pilipinas sa ICC kasabay ang pasasalamat sa Senado at kay dating Pangulong Aquino. Naniniwala si Villarin na hindi paniniwala o paninindigan ang dahilan sa pagbaligtad ngayon ni Roque kundi tanging ambisyon lamang. Sinabi naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na magbigay naman ng matinong payo si Roque kay Pangulong Duterte dahil masyadong ill-advised ang pagtalikod nito sa ICC. Hirit pa ni Baguilat, kung talagang walang pag-abuso sa war on drugs ay walang dapat ikatakot ang Pangulo sa pagharap sa ICC.
SARILING INTERES | Secretary Roque, may ambisyon kaya bumaligtad sa pagsusulong na maging miyembro ang bansa ng ICC
Facebook Comments