Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Palasyo ng Malacañang ang mga mamamahayag na nagco-cover ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang istorya na mas mahalaga pa sa buhay ng isang tao kaya dapat ay mag-ingat ng mabuti ang mga mamamahayag sa kanilang trabaho.
Kailangan aniyang gawin ng mga mamamahayag ang lahat upang matiyak ang kanilang pansariling kaligtasan habang ginagampanan ang kanilang trabaho na magbigay ng tama, mabilis at napapanahong na impormasyon sa publiko.
Kasabay nito ay umapela din si Abella sa mga mamamayahag na maging tapat sa kanilang tungkulin at ibalita ang buong katotohanan.
Una nang nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines sa mga mamamayag sa pagiging daan sa pagbibigay kilala sa mga sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi City.