Senator Villanueva, nanawagan ng impormasyon sa nawawalang Pinay na nakatira sa nasunog na gusali sa London

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Joel Villanueva para sa makapagbibigay ng impormasyon sa nawawalang Pinay na nakatira sa nasunog na Grenfell Tower sa London.

Ang mahigit 60 taong gulang na Pinay ay kinilala ni Senator Villanueva na si nanay Ligaya Moore.

Siya ay miyembro ng Jesus Is Lord Movement na pinamumunuan ng ama ng Senador.


Sa pagkakaalam ni Villanueva, mag isa lang na nakatira sa isang unit ng nasabing tower si nanay Ligaya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makontak ng kanyang mga kamag-anak.

Facebook Comments