SARILING STORAGE FACILITY AT FISH PROCESSING PLANT NG LINGAYEN, NALALAPIT NANG MAISAKATUPARAN

Malapit nang magkaroon ng sariling fish processing plant ang bayan ng Lingayen matapos isagawa ng Food Terminal Incorporated (FTI) ang Groundbreaking Ceremony nito para sa Regional Food Terminal nito.
Ang mga Opisyal ng FTI ay naguna sa seremonya kung saan inihayag nila na sila ay nalulugod na makapagbigay sa lokalidad ng Lingayen ng matipid na teknolohiya sa pagpapalamig at mga serbisyo na magpapasigla sa komersyo ng bayan at maging makapagbigay ng oportunidad sa trabaho at higit na pakinabangan ang teknikal na kasanayan ng mga local producers at mga magsasaka.
Ayon naman sa Gobernador ng lalawigan na ang labis na suplay ng isda sa lalawigan ay hindi kailangang ibenta ng mura, sa pagiging malikhain at mahusay na magproseso ay tiyak na magiging sapat at seguridad umano ang kanilang benta nang hindi isinasakripisyo ang pamantayan ng kaligtasan.

Buong suporta naman ang Sangguniang Bayan sa proyektong na siyang makapagbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga residente at maging sa mga kalapit na bayan.
Ang nanalong bidder ng proyektong ito ay nagbigay ng assurance sa mga mangingisda na ang pagpapatayo ng ng naturang pasilidad ay sa loob ng limang buwan. |ifmnews
Facebook Comments