Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na labag sa konstitusyon ang pagtanggal ng Commission on Higher Education o CHED sa subject na Filipino at panitikan sa kolehiyo.
Paliwanag ni Sotto, itinatakda ng Article 14, Sec. 6 ng Constitution na dapat maglatag ng hakbang ang pamahalaan para panatilihin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at sa sistema ng ating edukasyon.
Nababahala si Sotto na ang hakbang ng CHED ay maging daan para tuluyang humina ang kaalaman ng mga kabataan sa ating sariling wika.
Diin ni Sotto ang Filipino ay bahagi ng ating pagkakakilanlan kaya dapat nating pagsikapang maisulong ang pagpapalakas at paggamit nito sa lahat ng pagkaktaon.
Facebook Comments