Sariwang hangin, ipinagbibili na sa India dahil sa matinding polusyon

Screenshot from South China Morning Post's video on YouTube

Ginawa nang negosyo ng ilan sa New Delhi, India ang pagbebenta ng sariwang hangin dahil sa malalang polusyon at toxic smog na bumabalot sa lungsod.

Sa bar na tinawag na “Oxy Pure”, maaaring magbayad ang mga kostumer ng 500 rupees (halos P400) para sa 15 minutong access sa 99% pure oxygen.

Mayroon ding iba’t-ibang flavor ang mabibiling oxygen tulad ng orange, cinnamon at peppermint.


Noong Mayo pa nagsimula ang nasabing negosyo, ngunit makikita ang pagdami ng mga kostumer noong mga nakaraang linggo dahil sa paglala ng polusyon.

Ayon kay Aryavir Kumar, may-ari ng Oxy Pure, nakasasama sa kalusugan ang air quality index ng New Dheli na 642.

“This session helps a lot in that. It detoxifies the body and reduces the impact of pollution and all the carbon you are inhaling. It also energizes the body and makes you feel relaxed,” ani Kumar.

Kabilang ang New Dheli sa mga lungsod na may pinakamalalang polusyon sa mundo.

Ngayong buwan, ang polusyon sa lugar ay halos lagpas na sa lebel na maituturing ng World Health Organization (WHO) bilang “safe”.

Facebook Comments