Manila, Philippines – Sasagutin ng Department of Justice (DOJ) ang pahabol na komento ni Senador Antonio Trillanes IV sa Makati Regional Trial Court Branch 148.
Sinabi ni DOJ acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na partikular na sasagutin nila ang sinabi ni Trillanes sa korte na dapat ang prosekusyon o ang DOJ ang magpatunay na hindi nga siya nakapagsumite ng aplikasyon para sa amnestiya.
May limang araw ang DOJ para sagutin ang dagdag komento ni Trillanes hanggang Biyernes, September 27 o sa susunod na Linggo, October 1.
Kapag nakapaghain na ng kanilang reply ang DOJ ay ikokonsidera nang submitted for resolution ang very urgent motion ng DOJ kung saan may 30 araw si Judge Soriano na resolbahin kung pagbibigyan ang DOJ o ibabasura ang kanilang kahilingan.
Si Trillanes ay nahaharap sa kasong kudeta sa Makati RTC Branch 148 kaugnay ng Oakwood mutiny noong 2003 kung saan walang piyansang inirerekomenda ang korte para sa nasabing kaso.