Sasakyan na pagmamay-ari ng DILG Sarangani nahulog sa bangin-1 patay, 1 sugatan

Manila, Philippines – Isa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos nahulog ang isang mitsubishi adventure na pagmamay-ari ng DILG-Sarangani sa National Highway, Prk. 15, Barangay Tinagacan, Gensan.

Binawian ng buhay si Geremias Delamente, 54, driver ng nasabing saksakyan at residenti ng Ladol, Alabel, Sarangani habang sugatan naman si Noel Giani, 50, admin officer 1 ng dilg ng nasabing probinsya .

Sinabi ni Sarangani DILG Director Flor Limpin na galing ng Kidapawan City ang mga biktima dahil may inasikaso doon, pagdating ng national highway ng Tinagacan Gensan nawalan ng control sa manibela ang driver kaya sila nahulog sa bangin.


Agad na dinala ang dalawa sa St. Elizabeth Hospital pero binawian ng buhay si Delamante habang patuloy pang ginagamot ngayon sa nasabong pagamutan si Giani.

Facebook Comments