Sasakyan, nahulog sa Balili River matapos gumuho ang riprap malapit sa La Trinidad, Benguet

Nahulog ang isang sasakyan sa bahagi ng Balili River malapit sa Tebteb Bridge sa Barangay Balili, Trinidad, Benguet matapos gumuho ang riprap o ang konkretong harang ng ilog.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente kasunod ng patuloy na pag-ulan na posibleng nagpahina sa pundasyon ng naturang riprap.

Agad namang kumilos ang mga awtoridad upang masiguro ang kaligtasan sa lugar.

Inilikas na rin ang ilan pang mga kagamitan at sasakyan sa paligid upang maiwasan ang posibleng pagguho ng lupa o karagdagang aksidente.

Samantala, pinayuhan ang publiko na maging maingat lalo na sa mga lugar na malapit sa ilog, habang patuloy na mino-monitor ng mga opisyal ang sitwasyon sa lugar.

Facebook Comments