Sasakyan ng Isang Negosyante, Nakarnap!

*Echague, Isabela-* Sasampahan ng kasong Carnapping ang mga suspek na tumangay sa sasakyan ng isang Ginang na negosyante sa Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rubilyn Pascual, 44 anyos, at residente ng Brgy. Salay, San Agustin, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, natukoy ang pangunahing suspek na si Jose Villaseran kasama ng dalawa pang hindi pa nakikilalang mga suspek na kapwa residente ng Brgy. Ipil, Echague.


Tinangay ng mga nagpanggap na buyer ang Isuzu Truck na may plakang T-GDJ-804 matapos pumayag ang biktima na ibenta ang kaniyang sasakyan sa halagang limang daan at limampung libong iso (Php 550,000.00).

Kaugnay nito, hindi tumupad ang mga suspek na ibigay ang napag-usapang bayad sa anak ng biktima sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela hanggang sa hindi na makontak ng Ginang ang mga suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente upang madakip ang mga naturang suspek.

Facebook Comments