Sasakyan ng Natagpuang Bangkay Kamakailan, Narekober Na!

Aglipay, Quirino – Natagpuan kahapon sa palengke ng Baler, Aurora ang sasakyan ng isang bangkay ng babae na narekober din noong Abril tres sa Aglipay Quirino.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Chief of Police Reynold Gonzales ng PNP Aglipay, ang Montero na puti ay pag-aari ng napaslang na si Ingrid Valliarta, apatnaput tatlong taong gulang, hiwalay sa asawa, isang negosyante at residente ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Idinagdag pa ni COP Gonzales na ayon sa mga nakakita ng sasakyan ay matagal nang nakaparada sa palengke ng Baler, Aurora.


Ibinahagi rin ni Gonzales na si Valliarta ay natagpuang patay sa gilid ng bangin sa Aglipay, Quirino na nakabalot ng plastk bag ang mukha, nakatali ang mga kamay at paa na patalikod sa pamamagitan ng packing tape, walang bakas ang katawan kundi pinaniniwalaan na ang ikinamatay ay hindi ito nakahinga.

Sa pakikipag-ugnayan ng PNP Aglipay sa tanggapan ng  PNP Cabanatuan City ay nabatid sa pamilya ng biktima na pagkatapos ng dalawang araw na hindi umuwi si Valliarta at hindi makontak ang cellphone ay inireport na ito sa pulisya at sa kaparehong petsa ay natagpuan naman sa Aglipay ang bangkay.

Sa ngayon ayon pa kay COP Gonzales ay maraming anggulo na ang kanilang iniimbestigahan ngunit umaasa ang pamunuan nito maging ang PNP Baler at PNP Cabanatuan City na mabigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Valliarta.

Facebook Comments