Sasakyang Ginamit ng Suspek sa Pamamaril sa Cauayan City, Natagpuan Na!

Cauayan City, Isabela – Mayroon ng gabay ang kapulisan ng Cauayan City sa naganap na pamamaril kay Edwin Cadiz kamakailan matapos matukoy ang kotseng pula na ginamit ng suspek sa pagtakas.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng Cauayan City Police Station na narekober ang kotse na iniwan ng suspek sa Barangay Minanga, Naguilian Isabela.

Aniya ang sasakyan na hindi pa maaring tukuyin sa ngayon ay kapareho sa nakita sa CCTV ngunit hindi malinaw ang mukha ng suspek na bumaril kay Edwin Cadiz.


Ito umano ay nakarehistro sa isang pangalan na nasa Metro Manila at iimbestigahan pa kung sino ang bumili sa sasakyan dahil may kalumaan na umano ito.

Samantala pinabulaanan ni Police Senior Inspector Galiza ang unang napabalita na may baril si Cadiz na kinuha ng suspek.

Facebook Comments