Manila, Philippines – Plano ni blue ribbon committee chairman Senator Richard Gordon na irekomendang sampahan ng kasong katiwalian o paglabag sa anti graft and corrupt pratices act ang mga sangkot sa kontrobersyal na advertisement deal sa pagitan ng Dept. of Tourism o DOT at PTV4.
Sa tingin ni Senator Gordon, may pananagutan dito sina dating Tourism Secretary Wan Teo, gayundin ang kapatid nitong si Ben Tulfo na may ari ng Bitag Media Unlimited Incorporated at mga opisyal ng PTV4.
Ayon kay Senator Gordon, ito ang pangunahing lalamin ng bubuuin niyang committee report matapos ang isang beses na pagdinig sa usapin.
Si Senator Antonio Trillanes IV naman ay plunder ang nais kaharapin ng mga sangkot sa kontrobersya dahil lagpas sa 50-milyog piso ang pera ng taongbayan na sangkot.
Lumabas sa pagdinig ng Senado na 120-million pesos ang kabuuang halaga ng nabanggit na kontrata.