SATELLITE MARKET SA LIMANG BARANGAY, PLANONG IPATAYO NGAYONG TAON

Baguio, Philippines – Limang barangay sa lungsod, papatayuan ng mga satellite market ng City Buildings and Architecture Office (CBAO), bilang tulong at makabawas sa mga residenteng kailangang pa di umanong lumabas sa kanilang barangay para mamili sa merkado publiko at para makakadagdag sa trabaho ng ilang mga lokal na residente sa panahon ng krisis.

Ang proyekto ay matagal ng inihahanda ng CBAO at ngayon lang mas nabigyang pansin ng national government dahil sa quarantine dulot ng pandemya ayon kay CBAO Arch. Johnny Degay.

Sa susunod na buwan pa ang implementasyon ng proyekto at uunahing patayuan ng apat na palapag na Satellite Market na may basement parking, ang Distrito ng Gibraltar kasunod ang mga Barangay ng San Vicente, Middle Quezon Hill, Dominican-Mirador at Bayan Park at ang nasabing proyekto ay may nakalaang higit P3-milyong pondo.


Facebook Comments