
Mapakikinabangan ng anim na barangay sa San Carlos City ang tatlong araw na libreng anti-rabies vaccination na isasagawa ng City Veterinary Office.
Base sa iskedyul na ibinahagi ng tanggapan, lilibot ang vaccination team mula Marso 10 hanggang Marso 12, 2026.
Unang bibisitahin ang mga Barangay ng Tarece at Tamayo. Sa ikalawang araw ng vaccination, pupuntahan naman ang Barangay PNR at Bani, habang sa huling araw ay bibisitahin ang mga Barangay ng Palaris at Lucban.
Layunin ng naturang anti-rabies vaccination na higit pang mapalakas ang pagbabakuna at proteksyon para sa mga alagang aso at pusa sa lungsod.
Pinaalalahanan ng tanggapan ang mga pet owner na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad laban sa nakamamatay na rabies. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










