Naglagay na ang Commission on Elections o COMELEC ng “satellite registration” sa ilang mga mall sa lungsod ng Maynila.
Ito ay kaugnay sa voter registration para sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang satellite registration ay ginawa bilang tugon sa mahabang pila sa COMELEC field office sa Arroceros, at matiyak na maipatutupad ang minimum public health standards laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang voter registration para sa lahat ng barangay ng Manila 2nd District sa COMELEC-Arroceros.
Para naman sa iba pang Distrito, ang satellite registration schedule sa Maynila ay ang mga sumusunod:
– SM Manila, para sa lahat ng barangays ng Manila 1st at 4th District mula July 7 hanggang 23.
– Robinsons Place Manila, para sa lahat ng barangay sa Manila 5th District mula July 7 hanggang 23.
– Robinsons Otis, para sa lahat ng mga barangay ng Manila 6th district mula July 7 hanggang 23.
– Lucky Chinatown Mall, para sa lahat ng mga barangay ng Manila 3rd District mula July 11 hanggang 16.
– SM San Lazaro, para din sa lahat ng barangay ng Manila 3rd District mula July 18 hanggang 23.
Ayon sa COMELEC, ang voter registration sa mga nabanggit na malls ay mula Lunes hangggang Sabado, kahit holiday, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.