SATELLITE VOTER REGISTRATION SA DAGUPAN CITY, ISINAGAWA SA MGA PAARALAN SA LUNGSOD

PATULOY ang panghihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan sa mga indibidwal na hindi pa nakapag-parehistro para sa paparating na National and Local Elections sa susunod na taon sa kabila ng nararanasang pandemya.

Nagsagawa ng Satellite Voters Registration ang ahensya sa mga paaralan sa lungsod kabilang ang Carael Elementary School at Salisay Elementary School na siyang paraan upang ilapit ang pagpaparehistro sa mga residente sa kada barangay.

Sa Barangay Salisay pa lamang nakatanggap na ang ahensya ng 134 aplikasyon ng pagpaparehistro at naobserbahan ang mga ipinatutupad na minimum health standards sa tulong ng mga barangay officials.


Samantala, bagamat nagsasagawa ang ahensya ng satellite voter registration nananatiling bukas ang kanilang tanggapan tuwing lunes hanggang sabado alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa mga nagnanais humabol sa pagpaparehistro.

| via Idol Ella Garcia

Facebook Comments