Nakakuha ng 90.19 net satisfaction rating ang PhilHealth sa isinagawang survey ng NovoTrends PH, Inc., noong Disyembre 2021.
Ang nasabing survey ay nilahukan ng 5,000 kliyente na binubuo ng mga miyembro, employer, health care institutions (HCI) representatives at professionals na bumisita sa mga Local Health Insurance Office ng PhilHealth sa buong bansa.
Pinakamataas na rating ang ibinigay ng mga employers na 90.26%.
Sinundan ito ng 90.19% mula sa individual members, 77.14% mula sa mga ospital, at 83.63% mula sa health care professionals.
Ang kabuuang resulta ng survey, na katumbas ay “excellent” ay nagpakita ng malaking pag-angat sa satisfaction rating ng PhilHealth mula sa 87.7% noong taong 2020.
Kinumpirma ng report ang kahusayan sa serbisyo kung saan tatlo sa apat na individual member ang nagbigay ng “very satisfied” na marka.
Nagbigay rin ng “satisfied” ratings ang mga representative ng mga ospital at pasilidad para sa mga empleyado ng PhilHealth na “may kaalaman sa kanilang trabaho at madaling lapitan”.