Pagudpud beach, pasok sa “most beautiful beaches” sa buong mundo

Kasama ngayon sa “25 Most Beautiful Beaches” sa buong mundo ang itinuturing na “Boracay of the North” ang Pagudpud, Ilocos Norte.

Batay sa New York based travel magazine na ‘Travel+Leisure,’ nakakamangha ang puting buhangin at malinaw na tubig sa Saud Beach.

Inilalarawan nila nag beach bilang “real-world example of a zero-entry swimming pool.”


Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakasama ng Saud Beach na itinuturing na crown jewel ng Pagudpud.

Ang pagkilalang ito ay kauna-unahan para sa coastal town.

Pasok din sa listahan ang Copacabana sa Rio de Janeiro sa Brazil, Hanelei Bay sa Kauai, Hawaii, at Cape Le Grand National Park sa Western Australia.

Bukod sa mga beach, sikat din ang Ilocos Norte sa heritage sites at natural wonders kabilang ang Paoay Church na itinuturing na UNESCO World Heritage Site, Bangui Windmill, Kapurpurawan Rock Formation, at sand dunes sa Laoag.

Facebook Comments