Nangako ang Saudi Arabia government na sasagutin nito ang hindi pa naibibigay na sahod ng 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtratrabaho sa isang construction company noong 2015 at 2016 ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople.
Ito ay kasunod ng bilateral meeting ng Pangulong Bongbong Marcos at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.
Aniya, naglaan na ang Saudi Arabia government ng 2 billion riyals o katumbas ng P30 billion para sa hindi naibigay na sahod ng OFWs, kung saan malugod namang tinanggap ng pangulo.
Inihayang rin ng pangulo na hindi na mauulit pa ang hindi pagbabayad sa mga manggagawang Pilipino dahil mayroon ng nakalataga na insurance system kung saan ang gobyerno ng Saudi na mismo ang magbibigay ng insurance kapag malugi ang korporasyon na kanilang pinagtatrabahuhan.