Saudi Arabia government, hindi pa rin natutupad ang pangakong babayaran ang unpaid salary ng 10,000 OFWs

Wala pang official announcement para simulan ang pamimigay ng hindi pa bayad na sweldo ng 10,000 overseas filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Hans Leo Cacdac, pinaguusapan pa lamang ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at Saudi Arabia ang mga detalye para sa pagpapatupad nito.

Una nang nangako ang Saudi Arabia government noong buwan ng Nobyembre na babayaran na lang ang 2 billion Saudi riyals o P30.5 billion ng mga OFW hindi nabayaran nang kanilang mga employers sa Saudi Arabia dahil sa pagkalugi sa negosyo.


Ayon kay USEC Cacdac, umantabay sa official annoucement ng DMW ang mga concerned OFW kaugnay dito at huwag magpapaniwala sa mga anunsyo o mga middleman kaugnay sa pagre-release ng pondo para rito.

Facebook Comments