Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang paglagak ng Saudi Arabia ng investments sa Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Alfonso Ver, bukod sa renewable energy investments ay magpapasok din ng investments ang Saudi sa digital infrastructure, fertilizer at agrikultura.
Agad namang sinimulan ng DFA ang pag-review sa mga nakabinbin na agreement sa Saudi Arabia para maka-engganyo ng investments at negosyo sa bansa.
Ayon sa DFA, minamadali nila ang mga ito dahil sa posibleng pagbisita sa bansa sa Nobyembre ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salmad.
Una na ring inatasan ng Pangulong Bongbong Marcos ang DFA na bumuo ng technical working group para maplantsa ang pagpasok ng Saudi investments.
Facebook Comments