Saudi Arabia, naglabas ng demands sa Qatar hinggil sa nagpapatuloy na diplomatic crisis doon

Saudi Arabia – Naglatag na ang Saudi Arabia ng listahan ng demands nito sa Qatar kaugnay ng nagpapatuloy na diplomatic crisis.

Sa report ng associated press, ang Kuwait ang nagpabatid sa Qatar ng listahan ng demand ng Saudi Arabia.

Kabilang rito ang pagsasara ng Al-Jazeera at military base ng Turkey na nasa Qatar.


Nais din ng Saudi Arabia na putulin ng Qatar ang diplomatic ties nito sa Iran.

Binigyan lang ng Saudi Arabia ang Qatar ng sampung araw para tumugon sa nasabing mga demand.

Magugunitang pinutol ng mga bansang Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain ang ugnayan sa Qatar sa bintang na sinusuportahan umano nito ang terorismo.

Facebook Comments