World – Nagmatigas ang Saudi Arabia kaugnay sa pagputol nito ng ugnayan sa Qatar.
Ayon kay Minister Adel Al-Jubeir – alam na ng Qatar ang dapat nilang gawin upang maibalik ang kanilang tiwala gaya ng pagtigil sa suporta sa Palestinian group na Hamas at ilang mga Muslim brotherhood.
Dagdag pa nito na nais nilang makita ang ipinangako ng Qatar noong mga nakaraang taon na hindi pagsuporta sa mga extremist group.
Sinabi pa nito na walang sinumang bansa ang gustong saktan ang Qatar at masakit rin ang ginawa nilang desisyon.
Magugunitang bukod sa Saudi Arabia ay kabilang ang Egypt, UAE at Bahrain na nagpahayag ng pagputol ng ugnayan dahil sa akusasyon sa Qatar na sinusuportahan ang terorismong grupo na mariing itinanggi naman ng nasabing bansa.
DZXL558