Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Saudi Arabian Minister of Human Resources and Social Development (MHRSD) Ahmad bin Sulaiman AlRajhi para sa bilateral talks.
Kabilang sa pag-uusapan ang mga i-aamyenda sa labor agreement sa pagitan ng Saudi Arabia at Pilipinas.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, plano ng dalawang panig na aregluhin ang mga detalye sa pagbisita ng ministro kaugnay sa bilateral labor agreements.
Ilan pa sa mga agenda na tatalakayin sa pagbisita ng Saudi Arabian Minister ang unpaid claims at iba pang mga proyekto gaya ng special hiring program para sa mga skilled Filipino workers at ang proseso ng digitalisasyon ng DMW.
Facebook Comments