Posibleng bumaba ang deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia simula ngayong taon.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III – inaasahang bababa sa 20 hanggang 30 porsyento ang hiring ng Filipino workers dahil sa Saudization program.
Sa ilalim aniya ng programa, ipaprayoridad ang mga lokal nilang manggagawa.
Aniya, sa kanyang pagbisita sa Saudi Arabia kamakailan, hirap siyang makakita ng OFW sa mga mall at terminals na nagtatrabaho bilang salesclerks at iba pa.
Pero nilinaw ng kalihim na hindi nila inaasahang magkakaroon ng mass displacement ng mga OFW dahil mas gusto pa rin ng Saudi Arabia na mag-hire ng mga Pilipinong manggagawa.
Dagdag pa ni Bello, inaasahang bababa ang deployment ng construction workers abroad dahil sa build build build program.
Sa ngayon, ang Germany at Israel ang nakikita ng DOLE bilang alternative markets na papalit sa Saudi Arabia.