Quezon City – Matapos ang 3 araw na pambubulabog sa mga residente ng Brgy. Bungad, nahuli na rin sa wakas ang may 6 na talampakang haba na sawa sa bahagi ng Baler QC.
Ayon kay Dario Erato, BPSO ng Brgy Bungad, bandang alas dos y medya nang makita ng mga tambay ang sawa na gumagapang sa creek na nasa tabi lamang ng Baler Police Station.
Sugatan ang sawa matapos barilin ng hindi pa nakilalang indibidwal kayat nakuha rin ito ng mga tao at inilagay sa isang kulungang bakal.
Bukas dadalhin ang sawa sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife.
Matatandaan na noong nakalipas na taon, isang 6 na talampakang sawa rin ang nakuha sa kalapit na lugar habang nakapulupot sa puno.
Facebook Comments