SAWI | 2 drug suspek, patay matapos manlaban sa buy-bust operation QC

16

Quezon City – Patay ang dalawang drug suspek matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga napatay na suspek sa alyas na ‘Kosa’ at ‘June’ na sangkot sa pagbebenta ng shabu.

Ayon sa QCPD Station 4, nakahalata ang mga suspek na pulis ang katransaksyon kaya at nagpaputok ang mga ito ng baril kung saan napatay sila nang gumanti ang mga pulis.

Nakuha sa mga nasawing suspek ang labing dalawang pakete ng shabu at dalawang baril.

Facebook Comments