NANLABAN | Riding in tandem, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa QC

84

Quezon City – Patay ang dalawang armadong lalaki matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Nia Road, Barangay, Pinyahan, Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon sa CIDG, nag-iikot sila nang maabutan ang riding in tandem na may hinarang na van at tinututukan ng baril

Nang sitahin agad nagpaputok ang mga suspek kaya at napilitang gumanti ang mga otoridad.

Dead on the spot ang mga suspek kung saan nakuha sa tabi ng bangkay nila ang tatlong baril.

Inaalam pa kung holdaper o karnaper ang mga napatay at kung anong grupo sila nabibilang.

Facebook Comments