SAWI | 2 hinihinalaang drug pusher, patay sa engkwentro sa Tondo, Manila

17

Manila, Philippines – Patay na ng idating sa Gat Andres Hospital ang dalawang hinihinalaang tulak sa ilegal na droga matapos na makipagbarilan ang mga ito sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team n Police Station 2 ng magsagawa ng buy-bust operation sa Gate 14, Parola Compound, Tondo, Manila.

Nakilala ang isa sa mga suspek na si Raymart Mendoza tinatayang nasa 25-30 anyos may taas na 5’9″ katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng black t-shirt, orange at black short pants na may STAR tattoo sa kabilang balikat habang ang isang suspek ay nakilala lamang sa alyas “BOY”,tinatayang nasa 25-30 anyos may taas na , 5’6″ katamtaman ang pangangatawan nakasuot ng black t-shirt, at grey short pants na may tattoo sa dibdib na nakasulat “only god can judge me”.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Carlo Manuel nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Road 10, Tondo, Manila, pero natunugan umano ni Raymart Mendoza na ang kanilang ka transaksyon ay mga pulis kayat agad siyang bumunot ng baril at pinaputukan si PO2 Mariano na nagpanggap na poseur buyer pero hindi nito natamaan ang bagitong pulis.

Paliwanag ni Supt. Manuel tumakbo umano si Mendoza patungo sa kanyang kasamahang si alyas “Boy” na nakaabang na sakay ng motorsiklo patungo sa Delpan Bridge pero nakorner sila ng mga nagresponde mga operatiba ng MPD nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta ng kamatayan ng mga suspek naisugod pa sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

Narekober ng pinangyarihan ng krimen ang dalawang kalibre 38 baril na ginamit ng mga suspek.

Facebook Comments