Misamis Oriental – Patay ang dalawang miyembro New Peoples Army (NPA) matapos ang sunod sunod na engkwentro sa pagitan ng government troops Brgy. Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental.
Ayon kay Eastmincom spokesperson Major Ezra Balagtey, naganap ang sunod sunod na engkwentro sa pagitan ng komunistang grupo at ng tropa ng 403rd Infantry Brigade (403Bde) ng Army’s 4th Infantry Division.
Aniya unang engkwentro ay nangyari noong Mayo 27 kung saan nagtagal ng 25 minuto ang palitan ng putok na nag resulta sa pagkamatay mula sa hanay terorista.
Kinilala ang isa sa napatay na si Odelo Compas alyas Sapayanan, functional staff ng Explosives/Ordnance and Production ng CPP-NPA.
Bukod dito, nakarekober rin ang mga otoridad ng 2 AK-47 na mga baril at isang M16 rifle.
Sa kaparehong araw isa pang engkwentro ang nangyare sa Sitio Bayhutao kung saan umabot naman ng 20 minuto ang palitan ng putok.
Dito na nasugatan ang isang sundalo na n agad namang dinala sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City.
Samantala ilan pa sa mga narekober ng mga otoridad ay isang M203 grenade launcher, isang 12-guage shotgun, isang M635 Carbine, isang air gun, ammunitions, sniper scope, 3 backpacks na may mga sariling kagamitan at mga subversive documents.