SAWI | 3 mga natitirang miyembro ng Maute ISIS terrorist group, patay sa operasyon ng militar at pulisya sa Pantar Lanao Del Norte

Manila, Philippines – Nasawi ang tatlong natitirang miyembro ng Maute ISIS terrorist group matapos ang isinagawang operasyon ng militar at pulisya sa Brgy Lumba Punud Pantar Lanao Del Norte kaninang alas -2:30 ng madaling araw.

Kinilala ang isa sa tatlong nasawi ay si Omar Daiser at dalawang iba pa.

Nakuha dito ang matatas na kalibre ng armas partikular ang apat M16 armalite rifles, isang M203 Grenade Launcher , isang FAL rifle at isang Pietro beretta 9mm pistol na may markings ng PNP, ibat ibang bala ammunitions at bandoleers.


Agad na kinuha ng PNP Pantar ang bangkay ng mga terorista na naibigay din agad kay Bokari Abdulgani, ang Municipal Councilor ng Pantar.

Sinabi naman ni Major General Roseller G Murillo AFP, ang Commander ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na ang pagkakaaresto sa mga ito ay dahil sa maigting na internal security operation ng Joint Task Force ZAMPELAN sa lugar.

Facebook Comments