North Cotabato – Patay ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos ang naganap na sagupaan sa Brgy. Don Panaca, Magpet, North Cotabato kaninang umaga.
Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson 1st Lt Tere Ingente alas-6:45 ng umaga nang mangyari ang sagupaan sa pagitan ng 19th Infantry Batallion ng Philippine Army at 50 miyembro ng teroristang New Peoples Army partikular ang Pulang Bagani Command 2 (PBC2) ng Southern Mindanao Regional Committee.
Bago ito nakatangap ng impormasyon ang tropa ng militar na may presenya ng teroristang NPA sa lugar kaya agad silang rumesponde na nagresulta sa sagupaan ng halos isang oras dahilan ng pagkasawi ng tatlong terorista.
Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 riffle.
Tiniyak naman ng pamunuan ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na magpapatuloy sa pagtugis sa mga teroristang NPA.