Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa Belgium makaraang may tatlong namatay sa naganap na terror attack sa Liege.
Sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs, nagparating ito ng pakikiramay at simpatya sa pamahalaan at mamamayan ng Belgium.
Base sa ulat, dalawang pulis at isang bystander ang napatay sa insidente ng pananaksak.
Mayroon ding dalawa pang pulis na nasugatan.
Isang lalaki na armado ng kutsilyo ang umatake sa dalawang babaeng pulis. kinuha pa ng suspek ang baril ng pulis at saka pinaputukan ang isang lalaki na nasa loob ng kotse.
Wala namang walang Pinoy na nadamay sa insidente.
Facebook Comments